08 Feb Pano Maging Bitter Sa Valentine’s Promo

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

TITLE

JUAN SAYS: A facebook post by Giselle Dela Cruz made us laugh. Just like a good number of people we know who are fast enough to relate anything and everything they see in their current single state. And this time around, we found this too funny not to share – relating your singlehood with a McDonalds promo!

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

“Oo na! Ako nang walang boypren!” First time kong mapasigaw sa mall, at sa Glorietta pa.

Paano napadaan ako sa McDonalds kanina at tuwang-tuwa na makakita ang bagong flavors nila. Wow, Red Velvet float! Taray, Strawberry Kiss Oreo Sundae! Love is in the air nga talaga.

Tas nakita ko ‘tong price. Teka, teka, teka. Ano ‘tong nakasulat, ‘by the pair’ at ‘just one’? Kapag 2 ang binili mo makakamura ng ilang piso, at kapag isa lang ang bibilhin mas mahal.

At look, ang term na ginamit ay ‘Just one’. Just. One. Grabe ang sakit! Paano ang direct translation nito sa Filipino, ‘Isa lang’.

Ouch. Medyo brutal ah.

Eh kung pinangalanan na lang nila na ‘single order’ o ‘happily single’? O kaya, ‘Mag-isa pero kaya pa!’, “Loving myself before I love somebody else,” o “Naghihintay ng tamang panahon, tamang rason at tamang tao”.

Just one? Bakit parang kaming mga single pa ang nagkulang? At tignan mo ang presyo, mas mapapamahal ka pa pag mag-isa ka lang, so ano, kami na naman talo? Talo na nga sa pag-ibig magbabayad pa kami ng extrang 2 pesos para sa ice cream?

Susmarya, kasalanan ko pa ata na single ako. Paano oorder ang mga kapwa kong singles nyan, “Miss isang sundae, just one. Iniwan kasi ako sa ere ng nililigawan ko” o “Ate isang cone please, ‘yun pang-single kasi pinagpalit ako ng mahal ko” o “Kuya, malamig na Mcfloat na pang-isa, sobrang sakit na kasi pakiramdam ko natutunaw na ‘tong puso ko.”

Pambihira Mcdo, kaya nga ako bibili ng ice cream para maibsan ang lungkot at sakit. Bibili ako ng ice cream dahil malamang walang magbibigay ng bouquet ng roses o box ng chocolates sa Valentine’s. Bibili ako ng ice cream dahil umaasa akong makakatikim ng kaunting tamis ang bitterness na bumabalot sa pusong ito. Pero ano, ipaparamdam mo pa sa akin na mas malala ang walang syota?

Oo, galit ako. Hindi dahil wala akong kalandian sa Valentine’s na pabebeng kumakain ng ice cream niyo, kundi tinawag niyo kaming “Just One” at papabayarin pa ng mas mahal kaysa sa mga nakahanap na ng kanilang The One.

#SinglesRepresent #NoToJustOne#IDeserveAnExplanation

— at Mcdonald’s Glorietta.

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...