24 Dec Rock Supremo – Unang Yugto

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

title page

Luha mula sa magkabilang mata ang napansin kong dumadaloy habang pinapanood ko ang dalawang piyesang tunay nga naman humugot sa bawat damdamin na nararamdaman ko ng mga panahong iyon. Hindi ko inakalang iiyak  ako ulit habang nanonood ng ballet. “Who cries in ballet? OA ka ha,” ang minsang hirit ng aking kaibigan habang ikinukwento ko ang pagluha ko sa sayaw na Romeo and Juliet.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Kung tinanong nya ako sa oras na ito, malamang ay itataas ko ang kamay ko sabay sigaw ng I DO! I DO!

Teka, hindi ko nga pala kasal ang pinaguusapan dito.

Alisin na natin sa usapan na ang pinakamagagaling na mananayaw ng ballet sa Pilipinas ang tumambad sa aking harapan upang ipakita ang kwento ng buhay ni Andres Bonifacio sa pagtatanghal ng Rock Supremo sa CCP Little Theater noong Setyembre. Alisin na rin natin sa usapang pinili kong manood ng Rock Supremo kung saan ang pinakapipitagang si Carissa Adea ang gumaganap bilang Oryang.

“Magaling siyang sumayaw ng contemporary ballet,” yan ang chismis sa akin ng aking mga guro sa sayaw.

Hindi ko inakalang bubunghalit nga ako ng iyak habang pinapanood ko siya. Hindi lang sa maganda ang kanyang mga linya, at nagagawa nya ng halos perpekto ang bawat galaw na kinakailangan sa sayaw, nararamdaman ko rin ang bawat emosyon na gusto niyang iparating sa akin, mula ulo hanggang sa dulo ng kanyang mga kamay at paa.

“Ramdam kita Ate Kare! Ramdam na ramdam kita!” ang pabulong kong sinabi sa aking sarili habang mag-isang nagpapahid ng luha at pilit na tinatago ang aking magang-magang mata at mga nakaw na hikbi. Tinakpan ko ang aking bibig sa takot na ito’y maging isang malaking bunghalit.

Ano nga kaya kung ako si Oryang? Ano nga kaya kung pinakasalan ko ang isang taong minahal ko kahit ayaw sa kanya ng aking mga magulang dahil sa kanyang mga paniniwala? Nanaisin ko pa rin bang sumama sa kanya kahit alam kong malalagay ang buhay ko sa peligro o di kaya’t malaki ang pagkakataong maging balo ako sa batambatang edad? Paano nga kaya kung maging “Lakambini” din ako ng isang malaking samahang lumalaban para sa kalayaan ng ating bayan? Ano nga kaya kung ako si Oryang?

Emoterang frog na naman ang peg ko nito.

(Itutuloy)

RockSupremo_04

RockSupremo_02

RockSupremo_01

RockSupremo_03


Did you like the article? Click the banners for more.
[adrotate group=”10"]
Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...