31 Dec Rock Supremo – Pangatlong Yugto

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

RockSupremo_03_cover

 “In deference to my parents, we were married in the Catholic Church of Binondo in March 1893, with Restituto Javier and his wife as sponsors. But the week following, we were remarried in the house of our sponsor in what was then Calle Oroquieta before the katipuneros at their request, since they gave no importance to the Catholic ceremony. I remember that there was a little feast, attended, among others, by Pio Valenzuela, Santiago Turiano, Roman Basa, Mariano Dizon, Josefa and Trining Rizal, and nearly all the dignitaries of the Katipunan. That very night I was initiated as member of the Katipunan and assumed the symbolic name “Lakambini,” in order to obey and practice its sacred principles and rules.”

[Philippine Magazine 27.1 (June 1930), Gregoria de Jesus (Oriang), the Lakambini of the Katipunan and widow of Andres Bonifacio.]

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

IMG_0150_web“Saan nga ba nag-umpisa ang lahat,” yan ang naging tanong ng karakter ng historyador na ginampanan ng artistic director ng Ballet Philippines na si Paul Morales, sa karakter ni Oryang. Ipinakita sa entablado kung papaano pinagmalupitan ng mga guardia civil ang mga Pilipino sa sayaw na “Casadores,” kung saan ang nakababatang Bonifacio ay isang bodegero. Ng dahil dito, pinagbuklod ni Bonifacio ang mga manggagawa, lalaki man o babae, upang magaklas at ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas. Sa lahat ng ito’y kasama ni Andres ang kanyang Lakambining si Oryang. Kasama nya, hanggang sa huling sandaling nagkita sila ng buhay.

Halos sa kabuuan ng ng Rock Supremo, makikita ang hinagpis ng isang nagmamahal na si Oryang, na pilit hanapin ang kanyang nawawalang asawa. Kung ako si Oryang, hindi na siguro ako magkakaroon pa ng lakas upang maniwalang matatagpuan kong buhay ang aking asawa. Kung ako si Oryang, siguro’y kasama ko na ngayon si Sisa sa ospital ng may saltik at paulit-ulit kong binibigkas ang pangalang Andres… Andres… Andres habang nakahawak sa niyayanig kong hawla. Siguro’y mawawala na ako sa ulirat.

Sa mga susunod na yugtong ipinakita, mas ikababaliw ko atang malaman na ang aking asawa, na ang tanging nais IMG_0152_weblamang ay mapalaya ang mga manggagawa at kababayan niyang Pilipino, ay ipinapatay at ipinatapon kung saan man ng kapwa niya Pilipino. Mas ikababaliw ko siguro kung malalaman kong ang mga taong minsan niyang naka-daupang palad, ang mga taong minsan niyang nakasama sa pag-aklas ang mismong mga taong gumawa ng paraan upang siya ay patayin.

Sinubukan kong hanapin sa pamamagitan ng google ang mga naisulat na pangyayari sa buhay at pagkamatay ni Andres. Maraming iba’t ibang bersyon ang lumitaw. Sa nabasa ko, tunay ngang mainitin ang ulo ni Andres. Sa ilang beses na hindi nasunod ang kanyang mungkahi at sa init na rin ng diskusyon ng samahan na minsa’y bumababa na sa lebel ng personal ang mga atake, napapabunot ng baril si Andres at tinangkang paputukan ang isa rin niyang kasamahan. Nang hindi siya ang nanalong pangulo ng ating unang Republika, at sa mga kwestyonableng resulta ng eleksyon noon (oo, may dayaan na ring nagaganap sa eleksyon noong 1900s), minabuti niyang humiwalay at gumawa ng sariling grupo na masasabi mong taliwas sa napagkasunduan ng samahan bago pa man idaos ang eleksyon.

IMG_0467_webMagulo nga si Andres. Masasabi mong wala sa bukabularyo niya ang kumpromiso. Marahil dahil na rin sa salat na edukasyon o sa likas na ngang ugali ng tao, pero, sapat na bang dahilan ito upang ipapatay ang kapwa mo Pilipino?  Sapat na ba itong dahilan upang talikuran mo ang minsa’y naging pinuno ng Katipunan at tinawag mo pang Supremo? Ewan ko. Pero kung ako si Oryang, baka nakapatay na rin ako ng tao!

Ang dalamhati ng halos mabaliw-baliw ng Oryang ay sinaliwan ng kantang “Liwanag” na likha ni Ebe Dancel, ay siya namang bumasag sa emosyon kong gusting-gusto ng kumawala. Ipinakita sa sayaw ang pagtanggap ni Oryang sa kinahinatnan ng asawa, habang ang “kaluluwa” ni Andres ay sumasayaw kasama niya, waring sinasabi ang bawat salita na nakapaloob sa kanta.

 

 

Ginusto kong sumigaw ng lyrics ng kanta na halos memoryado ko na:

“Sa buhay mang ito, o sa kabilang mundo

Hangga’t may pag-asang dumadaloy sa akin at sa’yo

Hangga’t pag-ibig ay di panig sa atin,

Kumagat man ang dilim,

Huwag mangamba dahil liwanag tayo ng isa’t isa.”

IMG_0543_web“Hay! Saan ba ako makakatagpo ng isang Andres!” sambit ko habang pinakikinggan ang kathang-isip na liham na kunyari’y ipinadala kay Oryang bago siya patayin.

“Pesteng luha ‘to, oo. May sariling buhay,” ang napalakas na pagsasalita ko sabay lingon sa katabi ko, nagmamatyag kung narinig ba ang sinabi ko. Hindi ko na inantay pa ang reaksyon nila at tinalukbungan ko na lang ang aking bibig sabay talikod sa kanila. “Lalim ng pinaghugutan,” yan na lamang ang tanging konsulasyon ko sa aking mga luhang tila may sariling kumpas at sabay pang tumagas mula sa aking mga mata.

Ramdam ko ang sakit ni Oryang ng matanggap nya ang liham na ito galing kay Andres.

“Teka?! Makata ba siya?” ang tanong ko. Ah, hindi nga pala. Fictional love letter nga raw diba? Kung nakapagsusulat lang siguro noon si Andres, marahil ito nga ang sasabihin nya sa kanyang mahal. Pasensya na, carried away na nga kumbaga.

(Itutuloy)

IMG_0257_web

IMG_0538_web


Did you like the article? Click the banners for more.
[adrotate group=”10"]
Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...