29 Dec Rock Supremo – Pangalawang Yugto

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

RockSupremo2_cover

RockSupremo_02_04

“Liwanag” ni Oryang

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

 “When I was about eighteen years old, young men began to visit our house, and among them was Andres Bonifacio, who came in company with Ladislao Diwa and my cousin Teodoro Plata, then an escribano, but none of them talked to me of love, since parents in those days were extremely careful, and girls did not want people to know that they already had admirers. The truth, however, was that my parents had for about a year already, been informed of Bonifacio’s courtship although I knew nothing about it. Three months thereafter, just as I was beginning to like him, I learned that my father was agains Bonifacio’s suit because he was a freemason, and freemasons were considered bad men, thanks to the teaching of the friars. Six months later I had earnestly fallen in love with him, and my father, although opposed at first, in the end gave his consent because of his love for me and because I told him the whole truth.”

[Philippine Magazine 27.1 (June 1930), Gregoria de Jesus (Oriang), the Lakambini of the Katipunan and widow of Andres Bonifacio.

Sa pamamagitan ng kumposisyon ni Kai Honasan sa kantang Liwanag, na isinalin sa sayaw nina Katherine Trofeo bilang nakababatang Oryang, at JM Cordero bilang nakababatang Andres Bonifacio, nakita ko ang aking sarili sa katauhan ni Oryang. Sigurado ako, sa dami ng mga babaeng nanonod ng araw na yun, hindi ako nagiisa.

Sa nakasaad na ulat ni Oryang, sinuway niya ang kanyang mga magulang upang sundin ang kanyang puso – ang pakasalan si Andres. Ayon sa mga kwento, itinago si Oryang sa iba’t ibang bahay upang hindi mahanap ni Andres, ngunit katulad ng maraming fairytales na ating nabasa, namumutawi pa rin ang pag-ibig. Love conquers all, sabi nga.

Marahil maraming kababaihan ang tinamaan sa sayaw na iyon. Ang masayang pagiibigan ng dalawang taong parang hindi pa mulat sa katotohanan ng buhay ang para bang nagdadala sa bawat manonood sa ibang mundo. Ang mundo ng pag-ibig na lingid sa ano mang bahid ng peligrong maaari nilang harapin. Minsan sa buhay ng bawat babae, tayo ay naging Oryang. Matigas ang ulo. Susundin ang puso katulad ng sabi nga ng matatanda: "ang pagibig kapag pumasok sa puso ng sinuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”

May mga nagsisi. Mayroon pa ring mga nagsisisi. Ngunit sa pagkakataong ito, pakiramdam ko, walang kailangang pagsisihan si Oryang.

Sa ilang taon nilang naging mag-asawa ni Andres, palagay ko, naging masaya si Oryang. Kahit na may mga panahong hindi sila magkasama, dama ko ang pagibig ni Oryang kay Andres, at gayun din si Andres kay Oryang. Magkasama sila sa hirap at ginhawa, at hirap at hirap pa rin. Naisip ko, para din palang OFW ang kanilang pagsasama. Ng dahil sa himagsikan, maaring napupunta si Andres sa iba’t ibang lugar at si Oryang naman’y naiiwan sa Tondo upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang Lakambini ng Katipunan.

Hindi madali ang mabuhay ng mga panahong iyon. Walang kasiguruhan. Walang kapararakan. At kung iisipin mong tunay, walang tiyak na kinabukasan.

Parang may kurot sa aking dibdib ng makita ko ang pagkabusilak ng pag-iibigang ito. Salamat siguro sa mala-anghel na pagsasayaw ni Katherine Trofeo. Ramdam kong bumalik ako sa pagka-teenager, sa unang pagkakataong nagmahal ako ng totoo. Kelan nga ba yun? Ah, matagal-tagal na ring panahon.

Ang tinutukoy ko ay iyong panahong wala akong pakialam kung sino ang taong minamahal ko. "Basta mahal ko sha,” yan ang sambit ko. "Kahit magbobote, basta mahal ko!”

Naalala nyo pa ba ang mga panahong iyon sa buhay ninyo? Ganung-ganun ang pagkakasayaw ni Trofeo. Parang batang puno ng pag-asa sa buhay. Yung batang hindi pa nasasaktan ni minsan. Yung batang hindi pa nagsasa-ampalaya sa kapaitan ng pag-ibig. Yung masaya lang. Yung lumulutang. Parang fairytale nga.

Ilan nga ba sa atin ngayon ang mahahalintulad kay Oryang? Ang magmahal ng walang kondisyon. Ang magmahal ng dahil lamang sa pagmamahal sa isang tao na kung titingnan mo ay wala namang kinabukasang maibibigay sa kanyang iniirog? Minsan nga napapaisip ako. Sana’y lahat na lang nag nagmamahalan ngayon ay kasing busilak at walang kumplikasyon, katulad ng pagmamahalan noon. Kapag iniibig mo ang isang dilag, aakyat ka ng ligaw. Hindi ka makikipaglandian, sabay walang follow-through. Walang mind games, kinda, sort of, mag-kwan, ka-kyeme at kung ano-ano pang hindi naman talaga depinisyon ng relasyon. Kung gusto mo, gusto mo. Kung ayaw mo, wag kang pakialamero sa nanahimik na puso ko!

Sino nga ba si Andres ng mga panahong iyon? Wala kung tutuusin. Isang katipunerong kung iisipin mo’y naka kamisa-chino na may bandana pa sa leeg at may tangan tangan na gulok sa kanyang bewang. Sino nga ba si Andres kung ikukumpara mo sa mga iskolar na nakapag-aral sa magagandang paaralan o di ma’y sa ibang bansa nakapagtapos? Sino nga ba noon si Andres? Isang mainitin ang ulong nakikipaghabulan sa kalye at naghahamon ng tagaan sa mga kalabang Espanyol. Parang eksena sa kanto na may lasenggerong naghuhuramentado. Pero malayo. Malayong-malayo ang larawang ito sa tunay na pakay ni Andres Bonifacio na tangan-tangan ang kanyang bolo.

Sa pagkakataon ngayon, magmamahal pa ba tayo ng isang lalaking subersibo? Nagpipitak pa ba ang mga prinsipyong pinaninindigan ng isang tao? Sa iba, hindi na. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, ang maraming pera kahit na mukhang kabayo at may ugaling sanggano, ay pinipilahan na ng mga babaeng desperado. Jusko!

Ang prinsipyo, ang tikas sa pagtayo at marahil ang paghawak ng bolo ay ilan sa malalaking dahilan kung bakit nahulog si Oryang kay Andres. Sa pakiwari ko, uso na noong unang panahon ang "bad boy” image. Isang lalaking nakikita nating kayang-kaya tayong ipagtanggol o kaya’y ipaglaban. Oo na, parang eksena sa pelikula ni Sharon Cuneta at Robin Padilla! Mahal kita maging sino ka man.

Isa pa’y wala naman tayong narinig na chismis tungkol sa pagiging babaero ni Andres. Oo nga’t nagkaroon siya ng unang asawa at namatay sa sakit, pero wala talagang lumabas na kwentong nambabae siya. Gusto ko siyang tawaging "one woman man.” Busy siguro sa paghasa ng gulok, o busy sa pagpaplano ng susunod na paghihimagsik sa kung ano mang bayan. Pero sa tapang ni Andres, hindi ko napapakiwaring siya ang "under da saya” kay Oryang. Nakapagtataka lamang kung bakit "Andres” ang itinawag sa mga lalaking "under.”

Naalala ko tuloy ang maikling tulang nagpasalin-salin na mula noong ating pagkabata:

Andres Bonifacio a-tapang a-tao…

Marahil, alam nyo na ang mga kasunod na bersikulo.

(Itutuloy)

RockSupremo_02_01

RockSupremo_02_02

RockSupremo_02_03


Did you like the article? Click the banners for more.
[adrotate group=[adrotate group=”10"]d="wpdevar_comment_2" style="width:100%;text-align:left;"> Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...