04 Jan Rock Supremo – Ang Huling Yugto

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

RockSupremo4_cover

Sa katapusan ng buong palabas, nakisali ako sa mga taong tumayo habang taos pusong IMG_0461_webpumapalakpak para sa mga tao sa entablado. Ninais kong sumigaw ng “bravo!” pero parang sinok lang ang lumabas sa bibig ko. Naisip ko, kung katabi ko si Oryang, baka siko ang inabot ko.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

“Wag kang plastik!” maaaring hirit nya. I”labas mo ang pagka-Pilipino mo!”

“Mabuhay! O di kaya’y Kalayaan! Yan ba ang nais mong isigaw ko?” ang maaari kong maging tanong. “Bahala ka,” siguro’y sagot niya. “Basta sa lahat ng gagawin mo, magpakatotoo ka at ipagbunyi na Pilipino ka. Yan lang ang hiling ko.”

Sige na nga. At sumigaw na ako.

IMG_0429_webAt sa paglabas ko ng teatro nakasalubong ko si Carissa Adea. Ninais ko siyang yakapin ng mahigpit habang sinasabing: “Jusko! Pinahagulgol mo ako! Dadalawang dancer pa lamang ang nakakapagpaiyak sa akin habang sumasayaw sa entablado. OO! Ikaw at ang prima ballerinang si Maniya Barredo!”

Pero nahiya ako. Hiyang-hiya ako sa mugto kong mga mata, at sa yakap na maaaring biglang bumigay ako ng todo. Ayokong humilahod sa CCP! Baka akalain na lamang ng mga tao’y nag-aaudition ako para sa teatro.

Inisip ko, napakalaki ng ipagpapasalamat ko sa Rock Supremo, ng dahil dito, mas gusto ko pang makilala ang Pambansang Bayaning si Bonifacio. Kung sana nga’t buhay pa si Oryang, utang na loob, nakapila na siguro ako sa interbyu. Gusto ko silang makilala ng mabuti. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa Maragondon.

Ang dami kong naisip na tanong kung saka-sakaling magkakaroon nga ako ng one-on-one interview kay Oryang.

“Bilang kauna-unahang First Lady ng ating bansa, ano ang unang-una among proyekto?”IMG_0557_web

“Ano ang magiging kasuotan mo sa state functions ng ating bansa?”

“Paano mo naha-handle ang isang mainitin ang ulo na tulad ni Andres?”

Pero sa palagay ko, hindi ito ang mga bagay na magiging importante kay Oryang.

Sa isip ko, gusto ko pa siyang makilala. Gusto kong makausap si Oryang. Sa palagay ko, maraming pagkakahalintulad ang mga babaeng katipunerang tulad niya sa mga babae ngayon. Sigurado akong marami kaming matututunan sa kanya. Ano nga ba ang maging Oryang? Ano nga ba ang sumuway sa magulang upang sundin ang sinasabi ng damdamin? Ano nga ba ang mabuhay ng laging parang may pinagtataguan? Ano ba ang mabuhay ng may ipinaglalaban? At pagkatapos ng mapait na trahedyang sinapit ng kanyang unang asawa, saan siya humugot ng lakas ng loob upang umibig sa pangalawang pagkakataon?

Gusto kong malaman ang kanyang opinion sa kalagayan ng ating bansa ngayon? Ano ang naglalaro sa isip ni Oryang kung makikita niya sa telebisyon ang mukha ni Napoles? Ano rin kaya ang magiging reksyon niya kung mababasa nya sa facebook ang mga sinasabi ng anak ni Napoles na si Jean? Ano ba ang palagay nya sa mga senador?  Lilipad din kaya siya papuntang Leyte upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda? Masusuka din kaya siya kapag nakita ang mga ipinamamahaging relief goods na nilagyan ng sticker ni Binay? Sa mga makabagong katipunerong ibinoto ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno kapalit ng limang daang piso tuwing eleksyon?

Ano nga kaya ang realidad sa paningin ng mga mata ng isang Oryang?

Ngunit wala na. Wala na talaga akong pagkakataong maka-daupang palad pa sila.

IMG_0470_webSiguro’y mabubuhay na lamang akong iniisip at gawing inspirasyon ang tapang ni Oryang. Siguro’y ang dapat ay mabuhay akong nagpapakatotoo sa aking sarili at ipagbunyi na ako ay Pilipino, hindi man kasing hinhin ng inaasahan ng iba tulad ni Maria Clara. Pero pinapangako kong magiging kasing tapang at tibay ako ni Oryang. Pipili ng iibiging may dangal at prinsipyo. Pipili ng isang Andres na hindi man perpekto ay sasamahan ko sa hirap o ginahawa o sa hirap at hirap pa rin. Mag-iintay na lamang ako ng isang Andres na magsasabing:

“Pumikit ka lang sinta, ako’y nariyan na…”

(Wakas)

 

 

 

IMG_0387_web


Did you like the article? Click the banners for more.
[adrotate group=”10"]
Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...