05 Jan Cathy Garcia-Molina: Hindi Ka Nag-iisa

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

CATHY

JUAN SAYS: When the complaint letter against director Cathy Molina came out on facebook, we were not surprised. If anything, we were quite shocked when somebody finally complained about their plight because from the very start we already knew that this happens all the time be it on television or movie production. Haven’t you seen the movie ‘Ekstra?’ That was exactly it. The production crew treats the extras like they were just a piece of furniture. Parang walang pakiramdam. Ginusto niyo yan, sikmurain ninyo ang mga ugali namin, dahil yun ang kalakaran. Many of us from the other side of the media industry chose to stay away from the broadcast industry because some of us, at one point in our lives dipped our fingers into THAT and got burned.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Many have been treated badly and they just let it pass, sa takot mawalan ng trabaho, sa takot na mawalan ng booking. Ang mga nagrereklamo ay nagiinarte lamang, at walang puwang sa mundo ng ‘showbiz’ ang hindi matitibay ang tiyan.

Truth be told, how the ‘small people’ in the industry are treated is just icing on the cake. May mas malalalim pang issues. Yung rape. Yung sexual favors in exchange of stardom. Yung gawin kang parausan ng mga nakatataas sa network para ka lang sumikat. Eh yung mga artistang manyakis na kahit na maliliit na tao’y pinagdidiskitahan just because they can? Marami tayong kailangang pagusapan sa mala-impyernong buhay ng showbusiness.

Here is a facebook post by Che Ingles, a TV writer and producer on the plight of the ‘small workers’ of this industry.

Patungkol sa issue ng pagmumura ni Direk Cathy Molina sa isang extra sa teleserye… malungkot pero totoong nangyayari ang ganito. Hindi lang sa shooting ng mga palabas sa TV kundi maging pati sa pelikula, sa TV commercials, documentaries, etc.

Ang tagal kong nagtrabaho bilang Writer at Producer sa isang TV network. Ang mga bossing at mga artista, kakain sa restaurant. Tapos kaming mga talents, mga camera crew, ang budget sa pagkain ay 80 pesos per head. Ngayon daw tumaas na, 100 per head na daw ang budget. Kulang pa rin para sa 2-piece Chickenjoy.

May isang music video shoot na nag-PA ako. Bagong graduate pa lang ako sa UP nun.

Sa mga di pamilyar sa buhay production, ang PA ay Production Assistant. In short, dakilang utusan. Runner ng bayan.

Bagong graduate ako nun. Tanggap ko na magsisimula ako sa bottom of the food chain. Walang kaso sa akin yung uutusan ako. Kasama sa trabaho yun. Pero ang hindi ko matanggap ay yung nangyayari tuwing kainan na.

May buffet setup para sa mga artista, mga kliyente, sa staff ng ahensya.

Pero ang pagkain ng production crew? Naka-takal, nakalagay sa Styro.

Hindi ako nainsulto sa utos-utos. Pero nainsulto ako na iba ang pagkain nila sa pagkain namin. At enjoy na enjoy nila ang kanilang gourmet buffet, habang sa paligid nila, kumakain mula sa Styro ang mga taong magdamag ng nagtatrabaho.

Mula nun, pinangako ko sa sarili ko na pag umangat ako sa negosyong ito, hinding-hindi ko gagawin ang ganun.

Kung ano ang kakainin ko, yun din ang kakainin ng crew ko. Hindi sila hihiwalay ng lamesa. Kung walang budget, lahat kami kakain sa carinderia. Lahat kami, kakain mula sa Styro.

Sobrang nakakagalit ang pag trato sa mas maliliit na tao sa production industry. Ang mga pinaka mahihirap ang trabaho ang may pinakamaliliit na sweldo. Laging nasisigawan, laging namumura. Naka-Styro ang pagkain.

Kung nasa posisyon ka na para gumawa ng pagbabago, wag mo sanang kalimutan ang mga taong pundasyon ng negosyo mo.

Sa Plus Side, kahit tanungin nyo lahat ng nag-crew sa akin, never akong humiwalay ng kain sa kanila. Never akong nagsabi na “Oy hanggang 80 pesos lang ang orderin mo!” Hindi ako nagmumura sa crew, hindi ko sila sinisigawan. Mas madali pa akong mapikon dun sa ineexpect mong mas matalino, mas nakapag-aral, tapos hindi ginagawa ang tama.

Ang crew ko, laging kaliwaan ang bayad. Pagkatapos ng shoot, sila ang unang unang sesweldo. Hindi sila uuwi ng hindi sila kumakain.

Hindi ako perpektong Producer, pero sana makatao lang tayo. Yun na ang bawi natin sa Diyos sa biyayang magkaron ng sariling negosyo.

 

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...