24 Dec Felicity Fofonggay: Fashionistang Multo

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

felicity-cover-web#1

[adrotate group=”5"]

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Ramdam ang lamig sa loob ng mansyon ng mga Villareal na animo’y nanggagaling mismo sa kalamnan ng mga busog sa formalin na mga bangkay, samantalang agaw-eksena naman sa pag-tic-toc ang grandfather clock sa sala na sintakad ni Undertaker at sintanda na ni George Estregan. Mula naman sa kung saan, maririnig ang isang wagas na tili na parang nanggagaling sa lalaugan ng isang paniki.

“Hay naku, so boring and slow naman this day. I feel so useless. Wala bang mga paranormal experts na manunubok sa akin ngayon para naman may pagkaabalahan ako?” tanong ni Felicity Fofonggay sa sarili, isang ‘sort-of’ big shot na fashion designer na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ang siyang nag-iisang nagmana ng nasabing lumang mansyon kahit na hindi naman siya immediate kin ng mga Villareal. Maraming nagsasabi na nagkaroon daw ng lihim na pag-iibigan si Felicity at ang padre de pamilya ng mga Villareal kaya sa kanya ipinamana ang bahay. Hindi naman ‘to pinasisinungalingan ni Felicity, pero hindi niya rin ‘to pinatototohanan. Mum’s the word ang drama niya, kumbaga.

Bente siyete-anyos si Felicity nang mamatay siya dahil sa allergic reaction sa painkillers. Dahil sa cause of death niyang ito, maraming spirit questors at ghost hunters ang nagtatanong sa kanya kung ano ang pakiramdam na halos pareho sila ng pagkamatay ng tanyag na si Bruce Lee. Ang kalimitang sagot niya? Isang makabasag-eardrums na tili, sabay susundan ng pasumbat na, “Sa ganda kong ‘to eh sa bruskong karatista niyo ako ico-compare?”

Isang beses pa nga, habang nagshushoot sa mansyon ang crew ng isang paranormal TV show, isang cameraman na may ESP ang nakarinig ng sinabi niyang ito. “Hindi naman karatista si Bruce Lee eh,” pasimple nitong bulong sa sarili. Malas niya, enhanced ang sensory skills ng isang multo kaya narinig pa rin siya ni Felicity. At dahil nga ayaw ni Felicity ng itinatama siya ng mga taong tingin niya’y inferior sa kanya, sa sobrang galit eh nagpaka-poltergeist ang peg nito at walang anu-ano’y binagsakan niya ang cameraman ng isang ma-alikabok na cabinet na sinlapad ni Bomber Moran. Dead on arrival ito sa ospital.

Hanggang ngayon, kahit gaano man siya kadaldal at kasaya-kuno sa pagiging multo niya, meron pa rin daw siyang ‘unfinished business‘. Kung ano man ‘yon eh siya na lang ang nakakaalam. Siya at ang ga-pamaypay na false eyelashes niya.

“Kailan kaya ulit magshu-shoot ang Star Cinema dito sa bahay ko? Please, need ko ma-experience ang magparamdam kay Kris Aquino! Diyos ko mamamatay ako kapag hindi ko nagawa ‘yon!” atungal ni Felicity habang nilalaro ang opacity ng katawan niya. Para sa kanya, madaanan man lang siya ng camera kahit ilang segundo lang sa isang pelikulang gawa ng Star Cinema ay okay na sa kanya; na pwede na raw siyang mamatay kapag nangyari ‘yon. Pero siyempre, imposibleng matodas ulit siya dahil hindi naman siya karne ng baboy na madalas ma-feature sa “Imbestigador”.

Muling maririnig ang malalim na tili ni Felicity Fofonggay at ito’y tatagos sa marurupok na pader ng lumang mansyon patungo sa pandinig ng mga taong mahimbing na natutulog sa kani-kanilang mga bahay. Samantala, sa pinakamadilim na sulok ng Balete Drive, isang babaeng puting-puti ang kausotan at itim na itim ang buhok at mga mata ang magugulat sa tili. “Lintik na Felicity ‘to, nambubulahaw na naman,” angal nito gamit ang boses na parang nanggaling sa napakalalim na balon, sabay para sa isang taxi na minamaneho ng isang papungay-pungay na manong.

(Itutuloy)

Pole artist APRIL BERNAL

Pole artist APRIL BERNAL

CREDITS:

On April: Hot Pink Jersey gown by fashion designer Andrea Tetangco for Coca Couture IG: @andreatetangco and @cocacouture; human hair extensions in copper from www.lynellehair.com, M: +63916(6937889), FB https://www.facebook.com/hairextensionsphilippines

On Erika Hampel: Jersey gown by Norman Noriega M: +63927 (3600766)

E: norieganorman@gmail.com; shoes by Nere Ku, IG: @nereku, @nereku_homme, @nereku_femme FB: facebook.com/NEREKU. M: +63917(5006373)


Did you like the article? Click the banners for more.
[a[adrotate group=”11"]center>
Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...