05 Jan Why Are Beauty Queens Over 40 The Best

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

BEAUTY

 

JUAN SAYS: The Philippines managed to bag the crowns of six international competitions this year, and has been bagging one title after the other in previous years. The success of the Philippines today was paved by the old beauty queens who too tried to snatch the crown each time they represent the country in international competitions. And this year, we would like to pay tribute to all of them. Those who walked the same stage and gave their darndest best for the country. We wouldn’t be on the map/radar of beauty pageants if it were not for these beauty queens.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Lawyer Bruce Rivera says it best with his “10 Reasons Why Beauty Queens Over 40 Are The Best.” If you were one of them, please take a bow. You all deserve it. Or you may just die laughing. Haha.

10. Hindi pinagtatalunan kung sino ang mas maganda. Sa edad namin, walang maganda. Tamang lighting ang labanan.


9. We hate drama. Ang madaming issues, hindi invited sa next meeting ng Catholic Women’s League.


8. Hindi kami nagpapagandahan ng alahas o damit, mas naiinggit kami sa laman ng pillbox ng aming kasama. 


7. Pag sinabihan kaming matanda ng mga bagong sibol, eto lang ang sagot namin: “Kung kaya mong inumin ang alak na nainom namin, lokohin ang lalakeng naloko namin, batakin ang drogang nabatak namin, lunukin ang pride na nalunok namin at mukha pa din kayong ganito at 45, then we’ll talk. 


6. Ngayon, ang peg ng kagandahan ay kung hindi mala-luyang dilaw ang mga daliri mo. At the rest, idaan sa lighting. 


5. Kokonti lang kami na pwedeng sabihin na napanuod namin ang unang guesting ni Kris Aquino sa Eye to Eye at ikwento ang ashtray ni Janice Jurado para kay Dr. Rey de la Cruz.


4. Ang tunay na basehan ng tibay at talino ay kung hanggang ngayon, TNT ka pa din sa Japan at hindi pa nahuhuli since 1988.


3. Hindi uso ang padamihan ng pera. Kasi ang totoong mayaman, may 20% discount palagi. 


2. Wala na kaming kaaway masyado. Karamihan ay pumanaw na o di kaya’y inatake sa puso o di kayay barkada mo na kasi kayo kayo na lang ang natirang Manila’s Five Prettiest ng 1977.

 
1. Hindi kami takot mamatay. Hindi kami takot mabuhay. Isa lang ang kinakatakutan namin, High Definition.

 

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...