19 Jan Ang Salot ng Paawa ni Atty. Bruce Rivera

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

TITLE

JUAN SAYS: We may stand on different opinions with Atty. Bruce Rivera on some matters, but in using facebook as the new playground for bullies is one opinion that we share. We felt that social media is fast becoming the “help desk” of the “aggrieved.” Yet what we fail to realize is that while many champion causes of the so-called aggrieved parties, truth be told, none of us know the real picture. Yet we continue to “fight” for injustice and believe that the underdog is always saying the truth. Paalala lang sa lahat, hindi naman telenovela ang facebook. Mala-telenovela lang ang pagsusulat ng iba. Eto naman tayo, awang-awa. Pero hindi ba natin naiisip na iyong ating pakikipag-away para sa laban ng iba, ay nagagamit na ng karamihan upang magtago na lang sa likod ng mga “cyberbullies” at patuloy ipinapain ang tapang ng ilang para surut-surutin ang iba? It’s time to think.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Likas tayong maawain bilang Pilipino. Mabilis tayong mahabag. Mabilis tayong maawa. Higit sa lahat, mahilig tayong makisawsaw sa problema ng iba kahit konti lang ang alam natin, may masabi lang. Pagnaka-relate tayo…PAK!!! Patulan na yan.

Naalala ko si Salutatorian Girl na agad kinampihan ng mga netizens at hindi inisip tignan ang issue o isipin na apektado din pala ang Valedictorian pag sinasabi nila na totoo ang sinasabi nung kinampihan nila. Child abuse daw? Eh di ba child abuse din ang ginagawa ninyong paghugsa na mandaraya si Valedictorian.

Yung ibang nagkamali ng opinyon, nagpost ng apology. Pero karamihan, walang ginawa. Tumahimik lang. Walang accountability. Walang sorry. Wala. Kasi ang akala kasi nila hindi nakakasakit ito. Bilang isang nilalang na nakaranas na ng cyber-bullying, sana hindi maranasan ng mga mahilig makisawsaw ito. Kung hindi lang matatag ang sikmura ko at makapal ang mukha, bumigay ako. Hindi ka ba matatakot kung may magsasabi na uulamin niya ang bayag ko o isasama akong ilibing ng partner ko. Nasisi ko tuloy ang mga telcos dahil sa unli-FB promo nila.

Napanuod ko ang interview ni Direk Cathy Garcia-Molina at naintindihan ko ang kanyang damdamin. Ang idamay ang anak at sabihing kaya pala namatay ang asawa nito ay dahil mahilig siya magmura. Naalala ko si Mayor Duterte na umani ng batikos dahil sa kanyang pagmumura.

Mahilig din akong magmura. Inaamin ko na mabilis akong magmura. Kahit nga masaya ako, nakakabitiw pa din ako ng mura. Pero hindi ibig sabihin na masama na ako. Pag sinabi kong, “Putang-ina!”, hindi ko sinasabing puta ang nanay mo. Expression ko lang yun.

Dahil sadyang maawain ang mga Pilipino, madali tayong biktimahin ng mga bagong bully ng masa, ang mga paawa. People who will use a misfortune in their lives and use it to strike vengeance by taking advantage of the misplaced compassion of Filipinos.

Hindi po masamang maawa at mahabag. Pero gamitin muna ang utak at pag-isipan. Hindi po masama ang ipaglaban ang naaapi. Pero bago niyo sana simulang ipaglaban, tingnan niyo muna ang buong kwento. Pag-isipan ang sasabihin at huwag idamay ang hindi dapat idamay. Hindi po pwedeng maawain tayo pero makikitid naman ang mga utak natin.

Hindi ko binibigyan ang mga batang nanghihingi sa akin ng pera sa kalye. Yung sasabihin na wala pa siyang kain o kaya magmukhang kawawa. Kadalasan, pagkain ang iaabot ko. Pero di naman kinakain, kasi karamihan ay lango sa rugby. Naawa ba ako? Siyempre. Pero kung bibigyan mo sila, hindi ko sila tinutulungan. Kasi kung makikita nilang nagkakapera pala sila sa daan, hindi na nila nanaising mag-aral. At ang mga magulang mismo ang magpipilit na manglimos sila. Mamumulat sila sa mundong iniisip na lahat ng bagay ay pwedeng ibigay dahil karapatan nila ito bilang mahihirap. Na dapat tayong magbibigay sa isang tap dahil mahirap siya.

And why is this wrong? BECAUSE WHEN WE ARE IN THE HABIT OF REWARDING BECAUSE OF PITY AND POVERTY, WE ARE ENCOURAGING PEOPLE TO TAKE ADVANTAGE OF IT.

We seldom celebrate success stories except when there is an element of pity involved in it. Nagsumma cum laude ang isang bata na anak-mayaman, hindi issue kahit 1.0 lahat ng grade maliban sa isa. Pero nasa TV ang isang dating conteserang bakla na naging abogado ni Napoles. Ni hindi nga siya nagtop sa Bar exams. (Powerhouse, this Wednesday, 20 January 2016 at 5:15pm)

In Facebook, pag may inaakala natin na minamaltrato, ambilis nating magalit sa nagmamaltrato. Kuyog agad. Pero hindi lahat ng sumisigaw ng pagmamalabis at kalupitan ay totoong biktima. May iba dun na alam ang tamang timpla paano galitin ang tao. Magpaawa. Daanin sa hugot. Inisin ang tao.

May isang legal wife na nagpost ng picture ng isang babae at nilagay na kabit ito ng asawa niya. Siyempre, lahat ng legal wife na nagkaproblema sa kabit, nakarelate. Hugot agad. Galit sa kabit. Pero ang hindi nila alam, ung kabit na sinasabi nila ay hindi jowa ng husband. At matagal na hiwalay si legal wife sa legal husband. At hiwalay sa asawa yung sinasabing kabit dahil iniwan siya ng asawa dahil sa ibang babae.

Kaya, sa susunod na gusto niyong pumatol sa kwento, dalawang pakiusap:

Una, mag-isip at magresearch bago magreact.

Pangalawa, hindi po hinihithit ang katol. Kaya tigil na,

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...