21 Dec ANG MGA PAASA: Na-Miss Colombia ka na ba?

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

PAASA

JUAN SAYS: Many have felt bad for Miss Colombia. Imagine getting your 4-minutes worth of fame. You have donned the crown, you have worn the sash, you have walked the ramp and cried buckets of tears. And then, just like, na-wow mali ka pala! Here is Atty. Bruce Rivera’s take on Miss Colombia’s paasa experience.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

 

Maraming tao ang naawa kay Miss Colombia nung pinatikim sa kanya ang maging Miss Universe ng ilang minuto para lang sabihin ni Steve Harry na nagkamali siya at si Miss Philippines ang tunay na reyna. Galit ang Pinoy. Nawalan tayo ng moment. Mas bitter ang mga kababayan ni Madame kasi pinaasa lang daw sila. Andami tuloy mga hopia na nakarelate. Yung mga babae or lalakeng naging biktima ng maling akala. Yung mga pinatikim ang langit tapos biglang binawi.

Ganito palagi ang kwento:

Nakilala ni girl si boy. Ambait ni boy sa kanya. Niligawan siya, nagpakumbaba, at dahil dito naging sila. Pinakita ni boy paano siya magmahal. Feeling ni girl ay Miss Universe siya. Sino ba naman ang hindi magfefeeling, sa laki ng bouquet ng flowers kada weeksary at may plaque pa pag monthsary. Kung makahalik si boy sa kanya, akala mo si Magellan na halos inikot ang mundo niya.

For three months, diyosa ang pakiramdam niya. Akala niya si boy na ang pakakasalan niya. Tapos biglang naging malamig si boy. Yung dating init napalitan ng nakakabinging katahimikan dahil parang hamog na nasikatan ng araw ay nawala si boy. Naging busy daw. Madaming work. Pagod at may trangkaso.

Hanggang isang araw, sinabi ni boy sa kanya: “Sorry but I made a mistake. Akala ko ikaw ang kailangan ko. Pero, I realized na hindi pala. I just cannot take you along with me for the ride when I am sure I do not plan to be with you in my final destination.” Naiyak si girl. Ano ba daw ang kulang niya. May magagawa ba daw siya para magbago si boy. Pero buo na ang pasya ni boy. Kaya galit si girl. “Pinaasa mo ako! Manloloko ka pala!”

Umalis si boy. Tinanggap niya ang mura ni girl at mga kaibigan nito. Pero ang totoo, ginawa lang ni boy ang maging lalake at hwag lokohin si girl. Alam niya na kung hindi niya sasaktan si girl ngayon, dadating ang panahon, lolokohin niya yun. Ayaw niya na kung dadating ang panahong yun, kasal sila at may dalawang anak. Mas magiging masakit yun kay girl at sa mga anak nila. Nasaktan man si girl ngayon, alam niyang dadating ang panahon na mahahanap ni girl ang tunay na kaligayahan. Tapos, napangiti si boy. Malaya na siya. Pwede na niyang puntahan ang tunay niyang mahal. Tinawagan niya sa phone: “Bro, musta na? Tuloy tayo sa Tagaytay sa Friday ha. Sabay ka na lang sa akin. Sakay mo na lang yung bike mo sa kotse ko.”

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...