02 Jun Please Don’t Call PNoy Retarded: JUAN Resident Doctor

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

abnoycover

JUAN SAYS: Our resident doctor cries foul upon calling Pnoy retarded! Bullying those with mental illness is NOT good. They have tried to live their lives to the fullest by learning to be functional in this world, tapos iku-kumpara ninyo kay PNoy! Hindi na tama yan!
 
abnoy2
 
 DOCTOR SAYS: Nitong buwan lamang nang Mayo 2015 namatay ang isa sa mga kilalang tao sa mundo at sa larangan ng akademiya. Ang pangalan niya ay John Nash, isang senior mathematecian sa Princeton University sa USA. Mas kilala ang buhay niya nang si Russel Crowe ang gumanap sa pagsasadula ng buhay niya sa “A Beautiful Mind. Pero ano nga bang paki ko sa buhay niya?
 
Sa mga karaniwang nilalang, wala nga namang saysay alamin ang buhay niya. Hindi niyo naman yun maipambibili ng bagong gadget di ba o ng bagong damit? Pero sa nakakaalam, malaki ang naging epekto ng nalaman niya sa larangan ng ekonomiya ng mundo, foreign affairs, politics, biology at iba pang aspeto ng makompetensyang larangan.
 
Ano nga bang punto ko? Simple lang naman. Huwag niyo sana husgahan ang mga tao dahil hindi niyo siya naiintindihan. Maaaring kakaiba lamang siya dahil sobrang talino or talagang delayed ang mental development niya. Kaya naman kung kulang ang IQ ng isang tao, hindi siya dapat pinatatakbo sa public office. Ewan ko ba sa karamihan kung bakit di na matuto, palaging kulang ang kaalaman ng binoboto. Pero bilang isang doktor, hindi tama na si Pnoy ay tawaging retarded. Mali po ang gamit na salita. Abnoy, hmmm, medyo pwede pa dahil hindi ka naman nagiging politically incorrect pag sinabi mo iyon. Huwag pong gagamit ng salitang retarded, dahil po ang mga taong may mental retardation ay napatunayan na sa tamang pag gabay ay kaya rin nila alagaan ang kanilang sarili. Tama, tama, abnoy nga po ang tamang salita.
 
Una, bigyang depinisyon natin ang normal. Ayon sa websters dictionary ito ay isang estado ng pagiging mentally at physically healthy. Sa siyensiya may mga tinatawag tayong standards. Kaya rin nagkaroon ng mga bansag na henyo, above average, average, at below average IQ, at mas mababa pa. We are not discriminating, alam naman natin na kailangan ang isang matalas na pag-iisip at pangangatawan sa mga ilang propesyon. Ang sinasabi lang natin, lahat ng tao ay may kakayahan na mapagyaman ang sarili. I am sure may kilala kayo or nakilala minsan sa inyong buhay, na tingin niyo ay may mental disability, kadalasan sila ay hirap sa tinatawag na comprehension. Nagkaroon na ako ng ilang pasyente na may psychiatric disorder naman, genetic ito, ngunit treatable or manage-able at least para makatrabaho pa sila or makapag-aral. Sa ngayon, may limitasyon pa rin ang siyensiya sa mga ganitong sakit. Ang kailangan lang ay mapatignan sa Developmental Specialists or sa Psychiatrists upang magabayan nang husto.
 
Aminin natin na ang ating health system ay hindi rin malaki ang naitutulong sa mga taong may mental disability. Sana ay makapag-tulong tulong tayo sa pagsupport sa mga grupo at tao na nangangalaga sa mga taong may mental and psychiatric disability. Kaya sana huwag nating tatawaging retarded ang ating Pangulo. Taongbayan ang bumoto sa kanya hindi ba?
 
Sa 2016, bumoto na lang tayo ng maayos. Kung ang Jollibee nga kailangan may antas na natapos bago mag-apply; kung sa gobyerno nga bago ka makakuha ng permanent position kailangan mo pa ng psychiatric exam, bakit sa mga tumatakbo bilang opisyal kahit pa Barangay Captain eh wala. Ang labo lang naman nun, so ok lang talaga na may pangulong abnormal? O kaya pangulong kurakot? O pangulong mandaraya? Eh pangulong maraming asawa at anak sa iba’t ibang babae ok lang? Ok lang pala sa inyo maghirap, so wag na kayo magreklamo.
 
Sa panahon ngayon hindi na sapat ang bumoto or hindi bumoto, sabihan mo yang abnormal, tanga, engot, mukhang pera mong kapitbahay na bumoto nang maayos kasi damay damay kamo tayong lahat sa kung sinong demonyo ang mananalo sa eleksyon. I repeat, huwag mong tatawaging retarded. Mali iyon. Huwag kang bobo. Shet.
 

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...