15 Jan 10 Hugot Lines ng mga Beking Nagmahal ng Straight

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

TITLE_6

JUAN SAYS: Kung hindi ka ba naman tanga at kalahati, bakit mo minahal, alam mo namang iba ang trip nya at sa totoong buhay ay hindi ikaw! Walang masamang mangarap, libre yun. Pero sana alamin mo kung hanggang saan lang talaga ang relasyong pinapasok mo. Sa ganitong set up, imposible ang forever. Kaya eto ang sampung hugot lines mo galing kay Atty. Bruce Rivera:

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

10. Eh ano ngayon kung babae siya. Babae lang siya. Miss Gay Universe-Baliwag ako!!

9. At naka-angkas pa siya sa motor na hinuhulugan ko. Tapos ako, pinapacommute mo papuntang Tutuban. Sana kotse na lang binigay ko para makasakay man lang ako sa likod…

8. Wala akong pakialam sa pagmamahal mo!! Bayad na ang memorial plan ng nanay at tatay mo. Yun ang kasunduan!!!

7. Buntis siya? Eh ano ngayon?! Alam mo ba kung ilang aso ang inaampon ko kung nagbabadya kang maglayas? Dose. Doseng Golden Retriever!! Tapos iiwanan mo ako dahil sa isang bata.

6. Hayup ka, iniba ko ang negosyo kong male dormitory at ginawa kong female dorm dahil akala matutukso ka sa mga lalake. Tapos ibinahay mo pala yung isang kasera natin sa mismong dormitory ko. Naniwala naman ako sa nilagay mong karatula sa pinto ng kwarto na “For Women Only”. Andun pala kayo ng babae mo.

5. Nagka-diploma ka lang sa TESDA, akala mo kung sino kang matalino na iniisa-isa mo lahat ng kaibihan ng tunay na babae sa mga bakla. Alam ko din yun. At hwag mong ipagmalaki na UP graduate yang babae mo. Tandaan mo, ako ang valedictorian ng batch natin sa TESDA!

4. Ang sinabi ko pwede kang maglaro sa labas. Hindi ko naman sinabi na iuwi mo sa bahay ang laruan!!!

3. Tatlong beses kong pinaayos ang ilong mo. Hindi ka ba natatakot na malalaman ng pango mong babae na peke yang ilong mo pag nanganak kayo ng pangit. Ano, ako na naman ang sasagot sa ilong ng mga anak mo?!!

2. Ano bang akala mo sa akin? Manghuhula!! Nung sinabi mong gatas ang kailangan mo, Red Horse ang nasa isip ko! Hayup ka, Infalac pala ng gusto mo!

  1. Ano bang meron siya na wala ako? At hwag mong sabihing “puke”. Sinabi mo pweding cash equivalent!!!

 

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...