27 Jan 10 Hugot Lines ng mga Beki na Nalason ng Paminta

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

TITLE

JUAN SAYS: This list says it all. We may call them bitter, but it is still better to be bitter than to be the deceiver. Kung bakla ka, pakiusap magsabi ka. Hindi yung pa-borta ka eh berdeng-berde ang dugong nananalaytay sa ugat mo! Eto ang sampung hugot lines ni Atty. Bruce Rivera.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

10. Wala akong pakialam kung buo o durog ka, teh! Paminta ka pa din. Kaya pala achoo ako ng achoo…allergic ako.

9. Panira ka ng ekonomiya! Kasi ang bakla bigay ng pera sa lalake, ang lalake bigay sa babae tapos ang babae bigay sa bakla pag nagpaayos na sa parlor. Babalik sa bakla kahit papano. Leche ka, sa paminta mo binigay. Hindi na babalik sa akin ang puhunan ko.

8. Sige, bitbitin mo na lahat ng rubber shoes ko na pink. Pero ibalik mo sa akin ang red stilletto ko. Kumasya lang, sa yo na agad?!!!
7. Hayup ka!!! Quizon pala ang apelyido mo. Akala ko pa naman, foreigner ang tatay mo kasi Bottom ang ginamit mong apelyido. Magsabi ka nga ng totoo, Power ba talaga ang pangalan mo? Haa?!!!

6. Best friend? Sinabi mo best friend mo siya. Kaya pumayag akong magtrekking kayo sa Sagada nung Valentines. Pards pa ang tawag niya sa yo. Malay ko bang Pardina pala at Mr. Dreamboy siya. Oo, Romnick at Sheryl kayo. Habang tayo, Mahal at Jimbo!!!

5. Siyempre, nakakabwiset na ipakilalang “Tito” sa mga kaibigan mo ano!!! Pero hindi mawawala ang galit ko porket “Tita” na ang pakilala mo sa akin.

4. Pinaniwala mo akong lalake ka!! Hindi ka nagmimintis magpaalam dahil maglalaro ka ng basketball kada Huwebes. Yun pala, sponsor ka ng uniform nila kasi pinangarap mong maging muse ng team nila. Ilusyonada!!!

3. Kaya pala!!! Kaya pala!!! Tili ka ng tili sa AlDub. Tapos, nung nakita mo si Yaya Dub…hindi ka naman naglulupasay sa tuwa. Si Alden lang pala….Pwes, pumila kang bakla ka. Nauna ako!!!

2. Tapatin mo nga ako…pinatulan mo ba ako dahil kamukha ko si Harlene? O dahil kahawig ko si Herbert?

  1. Nilunok ko….nilunok kong hayup ka!!! Lason!!! Lason!!! Lason!!! Pinakain mo ako ng lason!!!
Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...