07 Oct Salamat GILAS: This Video Captures It All

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

gilascover

JUAN SAYS: Masaya na ang buong bansa ay nagkaisa para mag cheer sa Gilas Pilipinas. Bale wala ang pagod, bale wala ang puyat para lang dalhin ang bandila ng Pilipinas. Walang sinabi ang ibang sports dahil sa puso ng Pilipino, basketball parin ang numero uno. At dumating na ang panahon na natalo natin ang mga higante, isang panalo na lang, makakarating na tayo sa Rio. Sa umpisa, sa dami ng kaguluhan sa Gilas, walang makapaniwala na nakarating tayo ng ganito kalayo. Isang panalo na lang, andoon na tayo. Pero umpisa pa lang, madami ng aberia, kahit ang isa sa mga pinaka maimpluwensyang taong sa Pilipinas walang magawa sa pagbubully ng China. Makikita naman sa video na eto kung paano tayo inilampaso ng panraraya ng China. Pero sa totoo lang, malaki man ang puso natin, hindi eto sapat para sa mga higante at dirty tactics ng China. Ang sarap magalit, lalo na kung alam mo kung anong sakripisyo ang binigay ng mga players para dito, pero may magagawa pa ba? Gamitin na lang ang oras na eto para itaguyod ang kabayanihan ng ating manlalaro at magpasalamat kasi sa kanilang paglalaro, nakalimutan natin ang dibision sa bansa, pero ngayon, andito na sila, tapos na ang laban, back to regular programming na.
 
Pero Salamat Gilas, Salamat at kahit panandalian lang, nakalimutan namin ang issue ng bansa.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

 

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...