23 Apr Father, Ikaw ba ang Gagamit ng Condom? – Tanong ng mga JUAN(a)

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

condomcover

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa, ipinayo ng isang obispo ng Simbahan Katolika na dapat magbago ng lifestyle ang publiko.
 
Sa ulat ng Radyo Veritas, pinuna ni Manila auxiliary bishop Broderick Pabillo ang pagkakaroon ng liberal lifestyle sa pagdami ng mga taong nahahawahan ng nakamamatay na virus.
 
“Yung change of lifestyle para hindi magkakaroon ng HIV-AIDS, yun ay kapag ang mga tao ay nag-a-abstain sa sexual intercourse sa hindi naman nila asawa. At yung tanggalin ang same sex relationship, men having sex with men yan ang malaking bahagi diyan,” anang obispo.
 
JUAN(A) SAYS: Father, wala po kaming kontra sa pagbabago ng lifestyle. Dapat naman po iyon, ngunit ang katotohanan hindi po instant ang mga iyon, at iba iba ang dahilan ng tao upang maging instant ang pagbabago. Unahin po natin na sabihin mag-bago ng lifestyle ang mga pari ng simbahan na sumumpang maging celibate (walang sekswal na aktibidad), sila po kung hindi nila kaya, maaari pong pagamitin ng condom. Hindi naman po babae lang ang nakaka-sex ng mga paring na-report na at napatunayang nagkasala, mapa-lalake rin po. So Father, pakilinis lang po ang sariling bakuran bago magturo sa ibang lugar. At father, seriously, same sex relationships and men having sex with men? Saang lupalop po kayo ng universe nakatira upang husgahan at ma-generalize ang lahat ng taong may same sex attraction? Si Pope Francis nga nagsabi “Who am I to judge them?”
 
condom
 
Dagdag pa niya, “Kaya ang panawagan natin diyan ay pagiging tapat at be faithful sa mga asawa at abstinence sa mga wala pang asawa.”
 
JUAN(A) SAYS: “Opo father, tama, agree, no question. Pero nung binoto po si Senator Revilla Sr., or Si Erap na maraming anak, may sinabi ka ba? Na bakit mo pipiliin ang leader na maraming anak sa labas bilang leader mo? Father, anong ginawa or sinabi mo noon? Sinabi mo bang maging tapat sila or natakot ka? Or wala kang pakialam noon dahil hindi ka pa obispo?”
 
Ayon sa CBCP, lumitaw sa pinakahuling pag-aaral na higit sa 600 Pinoy ang nagpopositibo sa HIV bawat buwan. Ang HIV ang pinamumulan ng Acquired Immune Deficiency Syndrome.
 
Maliban sa pagiging tapat sa asawa at pagtitiis, iginiit ni Pabillo, pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na hindi epektibo ang paggamit ng condom para hindi madapuan ng HIV.
 
JUAN(A) SAYS: Father, anong basehan mo? Opo may study na karamihan ng HIV positive sa kasalukuyan ay dahil sa unsafe sex (hindi pag-gamit ng condom at pagkakaroon ng maraming sexual partners), pero father anong pruweba mo na di epektibo ang condom? Kung tutuusin ay pwede kang kasuhan ng mga gumagawa ng condom, hindi biro ang alegasyon mo, dahil hindi kumpanya kundi isang sektor na nangangalaga ng kalusugan ng mga tao ang binabangga mo. Ang mga alegasyon tulad niyan ay sinasabayan ng masusing pruweba at hindi lamang kuro-kuro. Father, anyare sayo? Imbes na maintindihan mo ang gawa ng mga “makasalanan” at tulungan silang magbago ay parang hinuhusgahan mo sila. Paano ba baguhin ang baluktot na daan? Sige father sana masabi mo iyan sa amin, unahin mo ang mga politikong maraming anak at pamilya, mga opisyal na may querida, ang mga pumupunta sa simbahan kung saan ka naglilingkod na alam mong may kinakasama, alamin mo ang lahat ng bakla at tomboy sa parokya mo kung may multiple sex partners sila, kung kilala mo na sila sabihin mo sa akin kung hindi condom ang panandaliang solusyon. Sabihin mo sa akin na kaya mo silang ipag-bagong buhay agad-agad.
 
condom2
 
“Hindi tayo naniniwala na ang condom ang solusyon dahil kapag namimigay ka ng condom ay parang sinasabi mo na sige gawin ninyo nang gawin kasi may condom naman. At hindi safe ang condom, ang mahalaga ay tanggalin natin ang lifestyle,” aniya. —FRJ, GMA News
 
JUAN(A) SAYS: Father, hindi naman talaga solusyon ang condom, ito ay panandaliang solusyon para sa matitigas ang ulo. Hahayaan na lang ba natin ang mga taong tinutukoy mo na magkasakit dahil hindi nila makontrol ang sekswal na aspeto ng sarili nila. Sana alam mo kung gaano kahirap sa mga doktor mag-counsel ng mga taong nagkakasakit ng mga Sexually Transmitted Infection na nagagamot, paano pa ang mga walang gamot tulad ng HIV at Hepatitis B. Oo father, wala yung gamot, yung gamot na naririnig mo, tumutulong lang mag control ng dami ng virus pero pang habang buhay na ang virus, at ang tsansa na mamatay sila dahil sa impeksyon ay mas mataas. Kung hindi condom ang panandaliang solusyon father? Ano po? Baka pwede natin tanungin ang mga sexually active niyong mga pari. Maraming salamat po.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...