09 Sep Baha ang Problema, Carpool ang Solusyon. ADIK KA BA?

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

bahacover

JUAN SAYS: Halos lahat ng taong nagtatrabaho sa kalakhang Maynila ay natulog sa lansangan kagabi matapos ang malakas na buhos ng ulan na sadya namang nagpabaha sa malalaking kalsada at kahabaan ng EDSA kagabi. Dalawang oras, tatlong oras, hindi pa rin gumagalaw ang tapiko dahil walang makadaan sa napakataas na daloy ng tubig.
 
Bakit ba hindi na kami nagtataka? Paulit-ulit man nilang bungkalin ang daan hinding hindi ito maaayos. Magisip man sila ng isang katerbang batas ay hindi na rin ito maaayos, dahil ayaw ayusin. Katulad ng lagi nating naririnig “kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw ay madaming bullshit.”
 
Alam na alam nating lahat ang problema sa trapiko kagabi: naging dagat-dagatan na naman ang kalsada dahil hindi maayos ang drainage system ng Metro Manila.
 
Alam na rin natin ang problema ng trapiko, yung mga nakahambalang na bus na hari mo’y nabili na nila ang kahabaan ng EDSA. Kulang din ang mga tren ng MRT at kung ano man ang natira, ang madami dito’y lagi pang sira.
 
Pero laking gulat naming nan gang naging panukala upang ibsan ang traffic ay CAR POOLING. May minimum na lamang katao ang bawat kotseng tatakbo sa kahabaan ng lansangan. Hindi na kami nakapagsalita dahil iisa lang ang lumalabas sa aming bibig. Yung salitang: “tanga?!” Diba tanga lang?
 
baha2
 
Katulad nga ng sinabi ni Atty. Bruce Rivera:
 
Ayun sa DZMM, may panukala na ang mga pribadong sasakyan, kailangan apat ang nakasakay para hindi hulihin. Pwede ba?!!! Yung pinapaisip niyo ng problema ng trapiko sa Metro Manila, huwag yung sumisinghot ng rugby. Lusaw ang utak eh. Eto ang mangyayari kung ipapatupad niyo yan:
 
Kung mag-isa ka lang, dapat katulad ka ni Lola Nidora na may Rogelio, Rogelio, Rogelio. May naisip na akong pangalan nila: Perhaps, Perhaps, Perhaps!
 
Kung mag-asawa kayo, kailangan niyo kumuha ng driver at isang mistress. Kung wholesome naman, bitbitin palagi ang katulong at si Inang.
 
Mauuso ulit ang pick-up kasi mapipilitan kang mamick-up sa daan para hindi mamultahan. At paano pagbumaba yung isang kasama sa Magallanes, kailangan punuan ng isa pa. Sige katol pa.
 
Alam ba nila kung gaano kasikip ang apat sa isang kotse? Eh di sana magcommute na lang lahat pati kayong mga hinayupak na politiko lalo na sa pasimuno nito para patas-patas lang. Sigurado ako, kayo ang unang madudukutan.
 
_______________________________

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

 
Hindi po kami adik. At lalong hindi adik si Atty. Rivera. Yun pong nagisip ng solusyon, adik lang ampotah! Wala na kaming masasabi pa. Salamat po sa mga adik!

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...