16 Nov Ano Yung Mga ‘Ano’ Ni Alma Moreno

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

almacover

JUAN SAYS: Sa totoo lang, marami kaming hindi naintintindihan sa interview ni Alma Moreno. Malamang siya rin hindi niya naintindihan ang mga tanong, at lalong hindi rin niya naintindihan ang mga sagot niya. Huh? Tulungan natin si Alma Moreno aka Senator Lovli-Ness na ipaliwanag ang kanyang paliwanag? Huh? Basa na lang. Lito na rin kami. Haha.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Sino kaya yung tinitingnan niya sa gilid?

  1. Adviser niya
  2. Konsensya niya
  3. Coach niya

Pinagpapawisan daw si Alma Moreno sa interview niya kay Karen Davila, anong deodorant kaya ang gamit niya?

  1. Rexona
  2. Dove
  3. Nivea
  4. Tawas

Pinapahirapan daw siya ni Karen Davila. Saan nga ba siya nahihirapan?

  1. Sa paghahanap ng pambobolang sagot
  2. Nahirapan siyang sumagot na parang may alam siya
  3. Nahirapan siyang bawiin ang mali niyang sagot na di niya naintindihan ang tanong
  4. Nahirapan siyang hanapin ang meaning ng “reservations.”

Saan niya nakuha ang salitang “Magda Carta for Women?”

  1. Sa kanta ni Freddie Aguilar na Magdalena
  2. Nickname niya kay Madonna, imbes na Madge naging Magda
  3. Yun talaga ang pronounciation ng Magna. Tayo lang talaga ang tanga.

Ano kaya ang meaning sa utak ni Alma Moreno ng RH (Hango sa RH Bill)

  1. Real Hard
  2. Red Hand
  3. Red Horse

Ano kaya ang gustong pagkagastusan ni Alma Moreno?

  1. Education for women
  2. A well planned reproductive awareness for women, family and children
  3. Real Estate
  4. Women’s programs
  5. Ang pag-gluta sa mga kamag anak ng president ng partido niya

Noong namention ni Karen Davila ang Machiavellian School of Thought, ano ang pumasok sa utak niya?

  1. Sino yun?
  2. San kaya ang school na iyon?
  3. Ano kaya ang spelling nun
  4. Kilala naman niya si Machiavelli, wag tayong judgmental

Ang sagot niya sa mga tanong ay “ano,” “niaano” “yung ano,” karamihan ay “ano.” Tulungan natin siya, ano kaya ang mga “ano” na ito? Suggestions please.

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...