18 Apr Amang Hindi Burgis

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

digong

JUAN SAYS: Tawang tawa kami ng unang lumabas ang mga komento ng mga burgis tungkol sa kung paano magpahiwatig ng kanyang damdamin si Digong. Tunay nga bang hindi normal ang lumalabas sa kanyang bibig? O sadyang hindi lang sanay ang mga taong ito na makarinig ng mura na parang kinakain lang ng pang-araw araw sa hapag kainan. Ito nga ang problemang nakikita namin noon pang unang nagdeklara ng kandidatura si Digong. Sa totoong buhay, maraming tao ang nakumbinsi sa kanyang pamumuno ng dahil sa nakikita nilang kaunlaran sa Davao. Ngunit ang hindi nakita ng karamihan ay kung papaano narating ito. Ang tanging alam ng mga tao sa Maynila ay ang mga kwento at ang tanging umuugong sa mga tao dito ay ang mga salitang “kamay na bakal.” Ang hindi natin lahat naiintindihan ay kung bakit humantong sa ganito.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Sa panahong unang nanungkulan si Duterte bilang Mayor ng Davao ay tinaguriang “no man’s land” ang lugar. Salvage ang agahan ng mga taong dito’y naninirahan. Ang putok ng baril sa gabi ay tila nagiging pag-hele na lamang sa mga taong natutulog ng hindi kahimbingan. Marami ang umalis noon sa Davao, natakot na mabuhay ng ganito ang kanilang mga anak. Hindi lang naman sa Davao, ngunit maaari na nating sabihin na sa pangkalahatan ng Mindanao ay ganito ang sitwasyon… ngunit sa Davao nanungkulan si Digong, at sa Davao din nag-umpisa ang pagbabago.

Sa isang panahon na para ka mabuhay ay kailangan mong pumatay, ang mga pamamaraan ni Digong ay tila ba isang pangkaraniwang reaksyon na sa mga naninirahan doon.

Iyan ang problema sa mga nagiging reaksyon ng mga taga-Maynila ngayon. Hindi naman nila naranasan ang magising na may patay na nakahandusay sa kanal sa tapat ng kanilang bahay. Hindi rin nila naranasan ang matulog habang may nagpapaulan ng bala sa kapitbahay. Hindi rin nila naranasan ang mabuhay ng may takot at matuto kang humawak ng baril sa napaka-murang edad dahil ito na lang ang tanging nagpapalakas ng iyong loob. Patay kung patay. Hindi maiintindihan ng karamihang sa mga burgis na bumabatikos ngayon kay Digong ang pamamaraan ni Digong dahil ni-minsan maaaring hindi naman nila naranasan ang ganitong klaseng buhay. Oo privileged kung privileged.

Pero yan ang totoo.
By Ira Panganiban
Opinyon ko lang naman ano.

Pero bakit niyo ba pinagpipilitan si Duterte maging disente, mahusay na public speaker, politically correct at miyembro ng alta sociedad?

Hindi niyo ba naintindihan ang appeal niya kaya ang supporters niya ay payag gumastos para sa kanya?

Dahil kapag pinakinggan namin si Duterte parang kausap namin yung tatay ng barkada namin na hindi kami binobola.

Yung sasabihan ka ng “hoy bata, tarantado ka, mag-aral ka nga ng hindi sayang pera ng tatay mo sayo!”

Pero pag nabasted ka ng nililigawan mo at nakita ka niyang naiiyak sa kanto tatawagin ka – “bata parang nahulog mundo sa balikat mo ah, lika, pagusapan natin ng isang beer yan!”

Tapos sasabihin sayo ang katotohanan ng walang stir o bola. Pipintasan ka pa. “Eh pano ka magugustuhan kung magdamit ka gusgusin, ipakita mo na mahal mo siya, habulin mo, ayusin mo sarili mo, para kang hindi lalaki eh” at marami pang iba.

Pagkatapos ng tatlong beer uuwi ka na may plano sa buhay. Para siyang tatay mo kumausap sayo.

Siya yung uupakan yung mga gago sa kalye ninyo pag nanggugulo at walang maglakas loob na lumaban dahil siga nga eh.

Siya yung unang pupuntahan ng pulis pag may hinahanap na kriminal at siya mismo ang dadampot para ibigay sa otoridad.

Pero hindi siya perpekto. Minsan inaway ng asawa at pinalayas ng bahay dahil lasing, nanggulpi ng tambay sa kanto. Pero kinabukasan ambilis na pinuntahan yung nagulpi at humihirit ng sorry, may dala pang gamot, beer at pulutan.

Yan ho ang dating ni Digong Duterte sa mga sumusuporta sa kanya. Pamilyar siya, sanay sila sa lakad, salita at gawa niya. Isa siya sa kanila.

Hindi namin hinihingi na magdamit ng Amerikana si Duterte at magsalita ng perpektong ingles. Hindi namin siya inaasahan ng mahalimuyak na salita o matalinong pagbibiro.

Sanay na kami sa biro niya dahil alam namin ang pinanggagalingan niya. Alam namin na kahit sigawan niya kami ng “hoy bakla, ayusin mo lakad mo!” sigurado kami na itataya niya ang buhay niya para sa kaligtasan namin. Ilang beses na niya ginawa ito.

Kung hindi ninyo maintindihan ito, hindi ninyo maiintindihan ang “frustration” at pikon ng masa na sumusuporta sa kanya.

Hindi siya prinsipe na pinalaki ng pera sa palasyo kasama ang mga dugong bughaw. Wala siyang kahariang dapat proteksiyonan.

Isa siya sa amin at kilala ng masa ang kabaro nila.

Opinyon ko lang naman po ito.

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...