29 Aug A new cult emerges: #Aldub reaches 3M tweets

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

aldubcover

JUAN SAYS: In other news, habang galit na galit ang karamihan ng mga motoristang Pinoy na hindi nakausap sa trapikong idinulot ng pagrarally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo kagabi, inumpisan naman ng mga oras na yun ng mga #AlDub fans ang pagtutweet gamit ang hashtag na #AlDubMaiDenHeaven na umabot sa tatlong milyon. TATLONG MILYONG TWEET. Halos walang tulog at walang sawang pinagusapan ng mga panatiko ng Kalyeserye sa Eat Bulaga ang mga maaring mangyari sa episode ng #AlDub sa araw na ito.
 
Nais naming ipabatid sa gobyerno na may namumuong kulto sa bandang ito ng Pilipinas. Isang kulto na higit pa sa kapangyarihan ng Iglesia ni Cristo na nagbabasbas ng kandidato at nageendorso sa kanilang mga kaanib tuwing eleksyon. Mayroon na pong bagong kulto na tatalo sa Iglesia ni Cristo at sigurado kaming block voting din ang ibibigay ng mga ito sa inyo. Ito po ay ang kulto ng #AlDub. Kung kami sa inyo: Mar Roxas, Grace Poe at Jojo Binay, kaysa makisawsaw kayo sa nakakairita ng issue ng lalong pagsikip ng trapiko sa EDSA dulot ng walang patumanggang kilos protesta ng mga INC upang dipensahan ang liderato ng kanilang relihiyon, huwag na kayong matakot na hindi nila kayo iboboto. Mas mabuting pagmatyagan ninyo ang pagtetrending ng #AlDub. Doon kayo makisawsay. Mas mabuti kung ang inyong campaign posters ay may litrato ninyong naka-pabebe wave! Gusto naming kayong makitang nagda-dubsmash. At sana’y mapakilig nyo rin kami!
 
Mas gugustuhin na naming ang mga nagtetrending sa twitter. Kahit pa sabihin ninyong baduy ito at pawang katarantaduhan lamang. Mas baduy at mas katarantaduhan ang mga pinaggagagawa ninyong paglalabas ng mga “statement” na huminahon kami at pagbigyan ang pakikibaka ng mga INC. Sana’y maranasan nyo rin ang ihing-ihi na kayo sa loob ng kotse ninyo, habang nagmistulang parking lot ang kahabaan ng EDSA ng dahil lang sa iisang grupo.
 
Tandaan niyo, kaya maraming mainit ang ulo kagabi. Kating-kati ng umuwi para makapanood ng Kalyeserye sa computer! Bad trip! Bad trip kayo!

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...