13 Nov Veteran’s Day ba Kamo?

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

soldier

JUAN SAYS: Veterans Day sa Amerika, at bago tayo makisakay sa kanilang selebrasyon, maisip sana nating mayroon tayong mga buhay na mga bayaning patuloy na pinoprotektahan kung ano man ang buhay natin ngayon. Nakakatulog ka ng matiwasay sa gabi hindi ba? Dahil iyan sa mga taong hindi natin napapansin. Sana’y sa bawat pag lunok mo ng kanin at ulam sa araw na ito, maisip mong may mga sundalong sa kanin lang tawid na ang gutom. At sa bawat indayog ng iyong katawan mamayang gabi sa Valkyrie, sana’y maalala mo rin na may mga kawal na buwan na ang nakalipas na hindi nakakapiling ang kanilang pamilya. At sa paghiga mo sa malamig mong kwarto, may mga kawal namang natutulog sa gubat at pinapapak ng lamok.

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

Sa tingin mo na ang magaling? At sa iyo na rin umiikot ang mundo. Hinding hindi kapatid. Malayo ka pa sa mga kawal na hindi mo napapansin.

THE NOBLEST HEROES

Kahit kanin lang at sa balat ng saging lang ayos na samin yan. Hindi pa kami nakakakain ng mga masasarap at mamahaling pagkain o kayay nakasakay sa mga mamahaling sasakyan. Pag namatay kami sa paglilingkod sa bayan hindi kami lumalabas sa headlines sa news at halos hindi alam ng bansa. Wala kaming holidays madalas pasko,new year, at birthdays namin nasa distino kami. Ulan, lamok, pagod, at puyat sanay na kami dyan. Pero ganun paman ipinagmamalaki namin ang trabaho namin para sa bayan to!

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...