23 Jan ‘Ayoko ng Puke’

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

pukecover

JUAN SAYS: Our answer to ‘The Vagina Monologues’ Pinoy style.
 
NOTE FROM THE POET:
 
WARNING LANGUAGE: My attempt to Open Mic Poetry.
 
At the rooftop overlooking the city of Manila, people started laughing when he first opened his mouth. My good friend Eric Tipgos captured the SRO crowd into his emotional roller coaster (yes, there were tears) interpretation of my poem ‪#‎AyokoNgPuke‬ (I Don’t Like Vaginas). If you’re brave enough to witness vulnerability, watch and/or read below.
 

PLACE ADVERTISEMENTS HERE

 

AYOKO NG PUKE

 

ni Will Fredo

Hindi ko alam,
 
Kahit iwagwag ko ang aking kokote
Ang tigas ng aking paninindigan
Na ayoko ng puke.
 
Sa hugis palang,
Kinikilabutan na ako sa misteriong butas
Na malalim ang pinanggagalingan
‘Di matarok, ‘di ko matusok.
 
Balat na tupitupi,
Pinanggagalingan ng libag at baho
Ipaghiwalay mo man, may dila pa itong
Bubulaga sa iyo.
 
Tirahin ko man,
Paulit-ulit sa gitna, sa gilid, sa likod
Pahilata, patiwarik, at patayo
Walang lumalabas kung ‘di kilabot.
 
Ayoko ng puke,
Dahil ba nung bata ako
Pinaglalaruan ng dakila kong ina
Daliri ko sa naninigas niyang suso
At matitirik na dalawang utong
Sa aking pagtulog
 
Ayoko ng puke,
Dahil ba nung bata ako
Pinagsamantalahan ng isang gurang,
Walang muwang na tarugo
Para sa nanunuyo niyang bilat
Walang nangangabayo.
 
Diyos ko!
Pinalaki mo ako sa iyo!
Mula bata, simulat sapol.
 
Patawarin mo ako
Alam ko, ginawa mo ‘to
Para sa taong tulad ko,
May lawit sa binti, May itlog na luto.
Parusa o paghusga?
Nabawat lingi sa kanan, kaliwa
Pag-aruga, Paglinga
Ng babaeng sinilangan,
Ang bukang bibig at paniniwala
Walang kupas, walang wagas
Tatak sa hunahunang
‘Di kaya, ‘di mataim
Puke iwasiwas

Facebook Comments
PLACE ADVERTISEMENTS HERE

loading...